Posts

Babaeng Hinangaan mo Noon, Kakamuhian mo na Ngayon!

Image
Naalala ba ninyo ang naging kwento ng isang babae tungkol sa pag-alaga niya sa kanyang asawa na may sakit. Ang babaeng ito ay lumapit noon sa programa ni Raffy Tulfo para humingi ng tulong dahil sa naging sitwasyon ng kanyang asawa. Naawa si Tulfo kaya’t tinulungan siya. Binigyan siya ng puhunan para sa kanyang negosyo na gulayan at tulong para sa kanyang asawa. Maraming Netizen ang naawa at naluha sa sitwasyon ng babae. Kaya naman umani siya ng papuri mula sa mga kababayan natin. Panoorin ang Video: Makalipas ang ilang linggo, nag-iba ang ikot ng mundo. Nagulat ang mga Netizens, nasaktan at nagalit dahil sa ginawa ng babaeng kanilang hinangaan. Dahil, iniwan na pala niya ang kanyang asawa at sumama pa sa ibang lalaki. Ang masaklap pa, mismong pinsan pa ng lalaki ang minahal nito. Dito na bumuhos ang galit ng mga Netizens sa kanya. Panoorin po ninyo ang video kabayan at kayo na bahala manghusga.

Empleyado ng Convenience Store, Minura ang Isang Matandang Costumer

Image
Trending ngayon sa Facebook ang pagsinta ng isang concerned citizen sa isang empleyado ng convenience store. Sa video, mapapanood ang pag-alma ng isang lalaking costumer sa pagtrato ng lalaking cashier sa babaeng matanda na bumibili sa nasabing convenience store. Ayon sa lalaking sumita na maririnig sa video, minura raw ng cashier si lola kaya niya ito pinagtanggol at pinangaralan si cashier na mali ang kanyang ginagawa. Dito na nagsimula ang komprontasyon ng dalawa. Dumating na rin sa punto na hinamon na ng lalaking nanita si cashier at akma niyang hahampasin ng upuan ito. Nagulat naman si cashier sa pinakitang tapang ng lalaking nanita at natahimik ito sa huli. Panoorin ang Video:

Hindi Ako Magnanakaw! - Noynoy Aquino

Image
Minamahal ko'ng kababayan. Tadhana ang nagbuhol sa atin. At dahil doon ay kailangang iboto niyo ako. Dahil naghihingalo na ang ating bayan, at ako lang ang magsasalba sa inyo, wala ng iba. Nais kong pumasok sa isang kasunduan sa inyo, at wala kayong choice. Lalaban tayo para sa wastong edukasyon ng bawat batang pilipino. Lalaban tayo para sa abo't kayang serbisyong pangkalusugan. Lalabanan natin ang kahirapan. Lalabanan natin ang mga kawatan. Lalabanan natin ang sino mang wawasak sa kalikasan. Lalabanan natin ang sino mang manggugulo sa ating kapayapaan at katahimikan. Ang laban natin ay laban ng bayan. At dahil iba pa ang laban "NATIN" sa laban ng "BAYAN", meron pa tayong ibang lalaban: Lalabanan din natin ang lahat ng nasa politika, lalo na yung hindi lumipat sa Liberal Party. Lalabanan din natin ang mga hindi sang-ayon sa atin, lalo na yung mga nagtatanong kung may kongkreto na tayong paraan. [ Noynoy admin] Lalabanan din natin ang mga...

Isang Babae pinatay di umano ng Boyfriend na PARI

Image
Isang pari ang itinuturong 'person of interest' sa pagkamatay ng 28-anyos na si Jeraldyn Bulalacao Rapinan ng Barangay San Jose in Baao. Base sa ulat ng Philstar at ng Bicol Standard, itinapon ang wala ng buhay na katawan ni Rapinan sa madamong bahagi sa kahabahaan ng Maharlika Highway sa Del Pilar, San Fernando, Camarines Sur noong June 15. Nakatali ang mga kamay at ilang tama ng sasak ang nakita sa dibdib ng biktima. Nakatakip din daw ng malong ang mukha ni Rapinan noong natagpuan ito. Hindi pa muna inilalabas ng otoridad ang pagkakakilanlan ng pari habang isinasagawa ang imbestigasyon. Ayon pa sa ulat ng Bicol Standard, kinumpirma umano ng mga kamag-anak ng biktima ang relasyon ni Rapinan sa pari. Si Rapinan ay naging tagapag-silbi sa bahay ng nasabing pari. "It had been going on for some time already," sabi ng nanay ni Rapinan. Sabi naman ng pinsan at bestfriend ng biktima, makikipagkita daw dapat si Rapinan sa isang tao para bigyan ito ng pera par...

Planong Nationwide Curfew At Liqour Ban, Nilinaw Ng Kampo Ni Duterte

Image
Nilinaw ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang planong pagpapatupad ng nationwide curfew at liquor ban. Ayon kay Peter Laviña, Spokesman ni Duterte, ang 10 p.m. curfew ay para lamang sa mga kabataang walang magulang o guardians. Layunin umano nitong masigurong ligtas ang mga menor de edad at maagang matulog para hindi mahuli sa klase.Dagdag pa ni Laviña na ang liquor ban naman ay ipapatupad lamang sa mga establisimyento sa mga pampublikong lugar simula ng 1:00 a.m. Ang curfew at liquor ban ay ipinatupad ni Duterte sa Davao City. Maliban dito ay bawal rin sa Davao ang karaoke sa dis-oras ng gabi at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

PINAY na NAMAMALIMOS sa Japan isang MODUS OPERANDI

Image
“SHOUT OUT SA MGA KAPWA PILIPINO KO DITO SA JAPAN: SPREAD AWARENESS Alam ko pamilyar ang karamihan satin dito sa japan patungkol sa nababalita na nang ii-SCAM na mga pilipinong nang hihingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo o para sa Children’s foundation DAW. Madalas ako nakaka kita dito sa Motoyawata n mga kapwa pinoy n pagala gala at nang hihingi ng donasyon sa bawat taong makasalubong nila. Nung una pinapabayaan ko lang sila, pero hndi n ako makapag tiis dahil “nakakahiya” at “unfair” sa mga kapwa natin pilipino na nagsusumikap, nagpapakahirap na mag trabaho dito sa japan. Umaga gabi nag ttrabaho, tinitiis ang pagod matustusan lang mga pangangailangan sa pang araw araw at para na din sa pamilya nila sa ating bansa. Kasama ko yung kaibigan ko sa tapat ng train station dito s motoyawata ng nakita nya yung isang babae na nang hihingi ng donasyon. sabi nya madalas daw nya nakikita yung mga babae na to. sabi ko sa kanya, ilang beses na ako nakaka encounter ng mga gany...

SUV, Nabagsakan ng Bato sa Kennon Road!

Image
Baguio, Dahil sa mahigit isang linggong walang tigil ang pag-ulan na sanhi nang Habagat, lumambot ang lupa sa Baguio at Benguet. Isang sasakyan ang nabagsakan ng malaking bato kaninang alas onse ng umaga, Hunyo 17, 2018 Camp 3, Tuba Benguet. Nagpapasalamat ang mga nakasakay dahil sa ligtas silang lahat at walang nasawi. Pinapaalala na huwag munang dumaan sa Kennon Road para sa kaligtasan ng lahat.