PINAY na NAMAMALIMOS sa Japan isang MODUS OPERANDI

“SHOUT OUT SA MGA KAPWA PILIPINO KO DITO SA JAPAN:

SPREAD AWARENESS


Alam ko pamilyar ang karamihan satin dito sa japan patungkol sa nababalita na nang ii-SCAM na mga pilipinong nang hihingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo o para sa Children’s foundation DAW. Madalas ako nakaka kita dito sa Motoyawata n mga kapwa pinoy n pagala gala at nang hihingi ng donasyon sa bawat taong makasalubong nila. Nung una pinapabayaan ko lang sila, pero hndi n ako makapag tiis dahil “nakakahiya” at “unfair” sa mga kapwa natin pilipino na nagsusumikap, nagpapakahirap na mag trabaho dito sa japan. Umaga gabi nag ttrabaho, tinitiis ang pagod matustusan lang mga pangangailangan sa pang araw araw at para na din sa pamilya nila sa ating bansa.

Kasama ko yung kaibigan ko sa tapat ng train station dito s motoyawata ng nakita nya yung isang babae na nang hihingi ng donasyon. sabi nya madalas daw nya nakikita yung mga babae na to. sabi ko sa kanya, ilang beses na ako nakaka
encounter ng mga ganyan, ipapakita nila sayo yung “Meishi” (Information Card) nila na patungkol sa children’s foundation at mang hihingi ng donasyon. Tapos may ipapakita sila na mga pictures kasama nila yung mga bata sa parang nursery school. iaabot nila sayo yung notebook at papasulat yung pangalan mo tapos mang hihingi ng donasyon. napansin ko may mga nakasulat na, na mga pangalan ng hapon at presyo ng kanilang donasyon, ang nakakapag taka, nakasulat sa “Romaji” o alpabeto hndi sa “kanji” o “hiragana”. bali tinatanong ko kung legal ba yung documents nila, may ipapakita sila sayo’ng maliit na note book holder at ipapakita yung “Legal Permit” nila ng 1-2 seconds lang tapos isasara kaagad nila, nung tinanong ko kung pwede picturan hinablot nya kaagad sa akin at sabay sabi sakin ng pagalit na bakit ko daw pipicturan. sabi ko gusto ko lang malaman kung “Legit” ba yang ginagawa nyo, o nang loloko lang kayo ng tao. panoorin nyo nlng po yung video. mejo mahaba at paulit ulit pero kayo nlng po mag husga kung totoo ba sila o nanloloko lang ng tao.

Shout out sa inyo mga ate. Kung makarating man sa inyo tong video na to. Wag lang ulit ako makaka ingkwentro ng katulad nyo. irereport ko kayo sa pulis ng magka alaman kung totoo talaga kayo.
Nakakahiya yung ginagawa nyo.. Lalo nasisira image ng mga pilipino sa ginagawa nyo.

Pag naka kita po kayo ng ganitong mga pilipino (mostly nasa eki po sila or sa maraming tao naka pwesto) tawag lang po kayo sa 110 at ireport sila. Yoroshiku Onegaishimasu

P.S. Kung mapatunayan man po na Legit ang ginagawa nila. Buburahin ko kaagad tong post ko at personal ako mag sosorry sa dalawa at pati n rin sa foundation nila.”



Loading...