Pangulong Duterte galit at nagbanta sa grupo ng Kadamay "Umalis kayo! Mukha ko sinusunog niyo, tapos maghingi ka sa akin ng bahay?"
Isang matinding banta ang pinakawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasaway na grupo ng KADAMAY na nagnanakaw ng pabahay para sa mga sundalo at kapulisan. Ayon sa Presidente, pinagbigyan niya na raw ang mga ito noong nang-okupa ng pabahay sa Pandi, Bulacan pero hindi na daw dapat maulit ang pagnanakaw ng mga ito ng tirahan.
Naglabas din ng sama ng loob ang Pangulo sa ginagawang kalapastanganan at kawalan ng utang na loob ng KADAMAY.
"Bagong bahay ng mga sundalo ninakaw. Ako nagwa-warning ha. Sabi ko sa pulis, kunin ninyo uli. Kung gusto niyo ng away, sabihin ko sa pulis, bigyan mo ng away. Kung magkamatayan, wag kayong mauna, pero kung kailangan pumatay kayo para i-implement. Mamatayan ng 5-6-7, wala akong paki-alam. Sinabi ko na sa inyo noong unang inagaw niyo yung mga bahay ng pulis, sabi ko na lang sa mga pulis at militar, wag na ninyong paki-alamanan, ibigay na lang natin tutal pareho namang Pilipino but I hope it would not be repeated," sabi ni President Duterte.
Naglabas din ng sama ng loob ang Pangulo sa ginagawang kalapastanganan at kawalan ng utang na loob ng KADAMAY.
"Yung mukha ko sinusunog ninyo tapos mang-hingi sa akin ng bahay, g*go ka ba?... Inihian niyo mukha ko, tapos sinusunog pa ninyo, ngayon manghingi kayo ng tulong? T*** ninyo, problema ninyo 'yan," banat pa ng Pangulo.
Loading...