Lalaking Nagprotesta, Nanggugulo Habang Nasa-talumpati Ang Pangulo, Inaresto!

Inaresto ng PNP ang isa sa mga demonstrador na nambastos sa talumpati ni pangulong Rodrido Duterte sa kasagsagan ng paggunita ng ika-120th Philippine Independence Day sa Kawit, Cavite.


Kinilala ang suspek na si Francis Rafael, 20-anyos dinakip siya matapos sumisigaw ng "Huwad na kalayaan" ayon pa sa statement ng pulis "The abovenamed suspect without permissions of the law, did then and there willfully, unlawfully and feloniously disturb, interrupt public order at the said occasion."
Kahit nasabi na mismo ng pangulo na hayaan ang mga ito pero inaresto parin ang ilan sa kanila. Habang kasi nagsisigawan ang mga ito ay sinabi ng pangulo na hayaan lang sila dahil mayroon ang mga ito ng freedom of the press, freedom of assembly at free expression.

“Hayaan mo lang…. Our Constitution guarantees freedom of the press, freedom of assembly, and free expression. I will just advise the law enforcement to just deal with them peacefully and maximum tolerance,” sabi ng pangulo.

Paliwanag naman ng pulisya kung bakit hinuli nila ang lalaking ito at kasuhan ay dahil wala umano silang permit.

“Karapatan, pero kailangan may kaukulang permit. Pero wala silang maipakitang permit kaya natin siya kakasuhan,” sabi ni Police Officer 2 Mark Joseph Arayata.

Ang protester na inaresto  ay sasampahan ng kaso dahil nilabag nito ang Article 153 of the Revised Penal Code.


Loading...