Gary Alejano: "Pilipinas Kayang Makipag Giyera sa China"

Tiwala si Magdalo Party list Quezon City Rep. Gary Alejano na kayang makipag gyera ng Pilipinas laban sa China.


Sa isang interview ni Alejano kay Cheche Lazaro, isang Filipina broadcast journalist at Editor-at-Large ng online news website na Rappler, diretsyahang sinabi niya na may kakayahan ang Pilipinas na makipagdigmaan sa nasabing bansa.

“The question is, are we going to win should we go to war against China? But when it comes to capability, yes we are (capable) even though it is limited,” sabi ni Alejano.

Ayon kay Alejano, ano umano ang silbi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung hindi ito gagamitin. Ito din umano ang nais nating iparating sa ibang bansa kung paano tayo ituring.

“What’s the use of the armed forces if you’re not going to use it? We are strengthening the armed forces and that’s the message to the international community on how they should treat us,” saad ni Alejano.

Sa pananaw ni Alejano, hindi umano magagawang makipag-giyera ng bansang China sa maliit na bansa tulad ng Pilipinas dahil masisira sila sa international community.

“They will attract the international community to themselves. They will turn out to be a bully to a small nation,” paliwanag ni Alejano.

Source: Updatedtayo


Loading...