Death Penalty Bill Haharangin Daw ni Senator Trillanes

Haharangin daw ni Senator Antonio Trillanes IV ang paglusot sa Senado ng panukalang pagbabalik ng parusang bitay.


Katwiran ng senador, hindi na kailangan ang death penalty dahil kaliwa’t kanan na ang mga kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga.

Diin pa niya, umiiral na ngayon ang kultura ng pagpatay dito sa Pilipinas matapos sentensyahan ng kamatayan ang maraming Pilipino ng hindi dumadaan sa korte.

Ikinatwiran pa ni Trillanes na ang pagbalik sa death penalty ay nagpapakita lang na paurong ang takbo ng ating justice system.

Giit ni Trillanes, sa halip na ibalik ang parusang bitay ay mas makabubuting ayusin muna ang sistema sa Hudikatura ng bansa.


Loading...