"Wala Akong Kapasidad Mandaya, Ginagawan Ako ng Kwento!" ―Leni Robredo

"Alam n'yo naman siguro, those of you who are in social media, lahat ng klase ng kuwento nagawa na sa ‘kin. Pero I have tried to hold my horses. I felt that the best way was to keep quiet, ‘wag patulan,"


Ito ang naging reaksyon ni Vice President Leni Robredo tungkol sa mga kritisismong ibinabato sa kanya.

Sa kanyang talumpati sa 53rd annual membership meeting of Philippine Bible Society sa Manila, kinuwestiyon din ni Robredo ang mga akuasayon sa kanya ng mga kritiko tungkol sa umano'y dayaan noong 2016 elections.


Matatandaang naging maingay ang isyu ng mga boto ni Leni na may 25% shaded mark.

Ayon kasi sa resolusyon na inilabas ng COMELEC noong bago mag-eleksyon, kailangan ay 50% ang shade ng isang boto para mabilang ito.

Sa mga lumabas na ulat kamakailan lang, natapyasan daw si Leni ng halos 5,000 boto dahil sa isyu ng 25% shade vote.

Via News5


Loading...