Trillanes, Dinuro-Duro Umano si DOLE Usec Paras sa Senado

Sa isang report ng Abante Tonite, kinompronta at dinuro-duro umano ni Senator Antonio Trillanes IV si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jacinto “Jing” Paras.


“Siguraduhin mong habang buhay na president ‘yang si Duterte mo,” sabi diumano ni Trillanes kay Paras nang magkita ang dalawa sa plenaryo.

Si Paras ang naghain ng kasong sedition laban kay Trillanes sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ayon pa sa balita, bago mangyari ito ay sinabihan din umano ni Trillanes si Paras na huwag sumakay sa elevator kung saan siya nakasakay.
“Huwag kang sumakay dito,” naiinis na pahayag ni Trillanes kay Paras.
Ang sedition case na inihain ni Paras kay Trillanes ay nag-ugat sa privilege speech ng senador noong Oktubre 3 kung saan inakusahan nito si Pangulong Duterte na may P2 bilyon ill-gotten wealth.

Bukod diyan, inudyukan din umano ni Trillanes sa kanyang speech ang mga sundalo na barilin si Duterte kung makita nila ang mga tagong yaman nito.

Samantala, itinanggi naman ni Trillanes ang bintang na dinuro-duro niya si Paras.

Sa inilabas na article ng ABS-CBN News, sinabi ni Trillanes na habang kinakausap niya si Health Secretary Francisco Duque ay nilapitan siya ni Paras para makipagkamay pero tinabla siya ng senador.
"So sinabi ko sa kaniya 'ang lakas naman ng loob mo, kinasu-kasuhan mo ako tapos makikipag-kamay ka sa akin?' So yun ang puno’t dulo niyan," ani Trillanes.


Via  Abante, ABS-CBN News


Loading...