Pilipinas, Magkakaroon na ng Cobra Attack Helicopters!

"Jordan is giving us two Cobra helicopters. Those things we cannot really afford maybe in my term,"

Ito ang mabuting balitang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa 120th anniversary celebration ng Philippine Navy sa Coconut Palace of the Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex sa Roxas Boulevard, Manila.


Matatandaang sinabihan ni United Nations human rights chief at Jordanian Prince Zeid Ra'ad Al-Hussein na kailangan magpa-psychiatric evaluation ni Pangulong Duterte.

Inamin naman ni Pangulong Duterte na inabisuhan siya ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na huwag resbakan si Al-Hussein noong panahaon na iyon dahil prino-proseso na noon ang pag-acquire sa mga attack helicopters, pero pinaliguan pa rin ito ng mura ni Pangulong Duterte sa isang talumpati.


Buo raw ang desisyon ng Jordan na gawin ito kahit pa nakasagutan ni Pres. Rodrigo Duterte ang kapatid ng namumuno sa bansa.


Loading...