Pag-import ng Mas Murang Diesel mula sa Russia Kinumpirma ng Palasyo

Kinumpirma ng Malacañang na inaayos na ng Department of Energy (DOE) ang proseso sa pag-aangkat ng mas murang produktong petrolyo mula sa Russia.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi sa kanya ni DOE Sec. Alfonso Cusi na mas unang darating sa bansa ang diesel mula sa Russia.

Aniya, nasa 25-pesos hanggang 27-pesos lang ang magiging presyuhan ng diesel mula sa Russia kapag dumating sa bansa, mas mura kumpara sa presyo ng diesel ngayon sa merkado na nasa 44-pesos.

Maaantala naman bahagya aniya ang pag-import ng gasolina dahil kailangan pa itong iproseso sa Singapore.

Bukod sa Russia, isa rin ang Amerika sa mga pinag-pipilian ng gobyerno na pag-aangkatan ng mas murang langis para maibsan ang mataas na presyo ng petrolyo sa bansa.

Kaninang madaling araw, epektibo ang panibagong oil price hike kung saan nasa 35 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel habang ang gasolina ay nasa 65 centavos kada lito ang dagdag presyo.

Via RMN


Loading...