P10.6 Billion Fund ng PhilHealth, Inilipat sa DOH noong 2015! Pondo ng Ahensiya, Paubos na ayon sa Opisyal!

Ayonsa ulat ng CNN Philippines, ibinulgar ni Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) Executive Vice President and Chief Operating Officer Ruben Basa na nasasaid na ang pondo ng ahensiya dahil umano sa paglipat ng P10.6 billion nitong pondo sa Department of Health (DOH) noong 2015 (panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino).


Ayon kay Basa, sumulat daw si dating Health Secretary Janette Garin at isang nangangalang Padilla sa Department of Budget and Management (DBM) para hingin ang pagri-release ng P10.6 billion sa Health Department. Ginamit umano ang pera pampagawa ng barangay health clinics kahit hindi na-aprubahan ng board.

"management found that there was no valid waiver by PhilHealth of the P10.6 billion senior citizens fund. The matter was not presented (to) nor approved by the PhilHealth Board of Directors," sabi ni Basa.

Makaka-apekto umano sa sustainability ng programa ang nangyaring paglipat ng pondo sa DOH. Baka tuluyan na daw maubos ang pondo ng Philhealth sa taong 2022.


Loading...