Lalaki Namatay Habang nasa Kalagitnaan ng Pila sa LTO Laguna
Nag-collapse at pagkatapos ay namatay din ang isang lalaki matapos umanong pumila nang matagal sa isang Land Transportation Office (LTO) Branch sa Pila, Laguna.
Gutom at matagal na oras sa pagpila ang hinihinalang dahilan ng pagkamatay ng isang lalaki.
Sa ulat – bigla na lang hinimatay ang hindi pinangalanang biktima habang nakapila sa lto.
Inaalam pa kung may sakit sa puso ang biktima dahil malabo naman daw na init ang ikinamatay nito dahil airconditioned ang opisina.
Isang babaeng kumukuha rin ng lisensiya sa nabanggit na LTO ang sinubukang i-CPR ang biktima pero hindi na ito nagre-response kaya itinakbo na ito sa ospital ng staff ng ahensiya.

“Gutom at pagod siguro or may sakit na din. Ikaw ba naman madaling araw palang nakapila na then after lunch wala pa din nagagawa ni picture man lang,” sabi ng isang saksi.Wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng nasabing LTO branch sa nangyaring insidente.
Loading...