"Hinahamon Ko Si President Duterte!"- Sen. Risa Hontiveros

Hinamon ngayon ni Senator Risa Hontiveros si Pangulong Rodrigo Duterte na patunayang totoo ang kampanya nito laban sa korapsyon.


Ayon kay Hontiveros ito ay sa pamamagitan ng pagsibak ng Pangulo at pagsasampa ng kaso laban kay Solicitor General Jose Calida.
"I challenge President Duterte to prove his anti-corruption rhetoric. I challenge him to not only fire Mr. Calida but also to file the necessary charges against him,"ani Hontiveros.
Pahayag ito ni Hontiveros makaraang lumabas ang report na napunta sa pag-aaring security agency ng pamilya ni Calida ang 150-million pesos na kontrata sa pamahalaan.

Diin ni Hontiveros, mahalagang masibak at makasuhan si Calida para maibangon ang mga nadungisang institusyon sa bansa.

Giit pa ni Hontiveros, sakaling sibakin si Calida ay hindi ito dapat i-recycle ng Pangulo katulad ng ginawang pagtatalaga sa ibang pwesto sa gobyerno ng mga naunang opisyal na sinibak nito.
"After all, if he can order the Solicitor General to file a case against the Supreme Court Chief Justice, he can do the same to the former. Otherwise, his anti-corruption stance is pure hogwash,"


Loading...