"Great Revival" PNR, Bumili ng 7 Bagong Tren na may Halagang P2.5 Billion!

Inaasahang gaganda ang serbisyo ng Philippine National Railways (PNR) sa mga susunod na taon sa pagbili nito ng 4 Diesel Multiple Train Unit at 3 Diesel Hydraulic Locomotive Train Set mula sa Indonesia.


Ayon sa mga ulat, ito raw ang unang pagkakataon na nabigyan ng P3.5 bilyong pondo ang PNR mula sa dati nitong budget na P750 million.

P2.5 billion dito ay ginamit para bumili ng mga bagong bagon. Base sa ulat ng PTV, inaasahan umano na maide-deliver ang mga bagong tren sa Hunyo 2019.
"We wish to have the PNR to have a new image, a new look. We like to think of it as a beginning of a great revival of the Philippine rail service," sabi ni Jun Magno, General Manager ng PNR.

"What does the government of Indonesia ang the government of the Philippines have together? It is the desire to work together," sabi ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade.
Via Dailyistorya


Loading...