DOTr Asec. Tolentino, Sinibak na ni Pangulong Duterte
Sinibak na ni pangulong Duterte ang assistant secretary ng Dept. of Transportation na si Mark Tolentino dahil sa pakikipag-ugnayan sa isa sa mga kapatid ni Pres. Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinibak umano si Tolentino dahil sa pakikipag-usap nito sa isang kamag-anak ng pangulo. Ito rin raw ay magsisilbing babala sa iba pang opisyal na magtatangkang makikipag-usap sa mga kamag-anak ng pangulo na may mga gustong kontrata o posisyon sa gobyerno.
Matatandaan na noong nakaraang araw lamang, isiniwalat ni Tolentino na mayroong ‘Dilawan’ sa loob mismo ng departamento ang gustong manipulahin ang bidding process para sa Mindanao Railway Project. Na ayon kay Tolentino, pinipigilan raw siya ng mga ito na magsalita kaugnay sa 36.419 billion pesos sa nasabing proyekto.
Hindi pinangalanan ni Tolentino ang mga taong ito at nagbanta pa siyang isusumbong niya raw ang mga ito kay Pangulong Duterte.
“Kung sino po ‘yung may personal interest diyan, pasensiya na po, isusumbong ko po kayo sa ating mahal na Pangulo,” sabi ni Tolentino.

Loading...