Atty. Gadon, Naghain ng Petisyon na Tanggalin ang Larawan ng Mag-asawang Aquino sa ₱500 Bill

Kasunod ng unang paghain nito ng petisyon na ipabalik ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa dati nitong pangalan na Manila International Airport (MIA), nais namang ipatanggal ni Atty. Larry Gadon ang kasalukuyang larawan ng mag – asawang Benigno “Ninoy” Aquino at Corazon Aquino sa limang daang piso.


Sa paraan ng Currency Demonetization, tiwala si Gadon na papaboran ng kongreso ang kanyang petisyon ukol sa pagtanggal ng mga Aquino sa naturang salapi at pwede din itong humingi ng basbas mula sa Korte Suprema.

Sa panayam ni Gadon sa RMN DZXL Manila, sinabi nito na pareho namang walang mabuting ginawa ang mag – asawang Aquino para sana sa ika – uunlad ng bansa lalo na noong nanungkulan bilang Pangulo si Cory. 

Wala din naman umanong karapatan ang mga Aquino na magkaroon ng parangal na ipangalan sa alaala ni Ninoy ang pambansang paliparan ng bansa dahil kung tutuusin aniya, TRAYDOR naman umano ito. Marami pa aniya itong dapat panagutin kabilang na ang Jabidah Massacre at ang pagkakadawit ng mga ito sa Hacienda Luisita Massacre.


Matatandaang nakilala ang Pambansang Paliparan noong 1961 bilang Manila International Airport kasabay ng pagpapatupad ng kauna- unahang Control Tower at Terminal Building para magbigay daan sa mga banyagang lumuluwas ng bansa.

Ngunit pinapalitan ito sa kasalukuyang pangalan noong August 17, 1987 sa bisa ng Republic Act No. 6639 para iparangal sa nasawing dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino.

Via RMN


Loading...