Actress Ara Mina Kabit Umano ng Isang Government Official

Natukoy sa isang blind item ang report tungkol sa isang aktres na may lihim na relasyon umano sa isang government official.


Ayon sa isang article ng PEP, ang aktres na si Ara Mina umano ang tinutukoy sa blind item na may karelasyong government official.

Hindi naman sana masama ang pakikipagrelasyon ng aktress dahil single naman ito, subalit ang kanyang karelasyon ay meron na umanong fiancée.

Nadiskubre ng fiancée ng lalaki ang lihim na relasyon kay Ara Mina ng inimbitahan siya sa stage ng aktres para mag duet sila.

Ayon sa blind item, hindi raw umano alam ni misis ang kanta kaya ipinahiram ni aktres ang kanyang cellphone na may lyrics.
Pero habang umaawit sila, biglang nagpadala ng text message ang government official, na dahilan para malaman ng misis ang secret relationship nila ng aktress.
Na-shocked raw umano ang misis sa kanyang nabasa na text message kaya kahit hawak pa niya ang microphone, tinanong niya si Ara Mina ng: “Are you having an affair with my boyfriend?”

Sinagot daw siya ng aktres ng: “Let me explain.”

Tumakbo kaagad sa loob ng comfort room ang babae at hindi na binigyan ng pagkakataon si Ara Mina na magpaliwanag.

Doon nagkulong ang babae para basahin ang thread ng kumpletong palitan ng mensahe ng kanyang fiancé at ng aktres.

Dahil sa sobrang sama ng loob, nag-collapse ang fiancée ng government official sa loob ng comfort room.

Pero sa kabutihang-palad, kasama niya ang kanyang anak na tumulong sa kanya.

Narito ang mga larawan galing sa PEP upang patunayan na nagkasama sina Ara Mina at ang fiancée ng government official.


Via PEP


Loading...