2 Airport Employees Arestado sa Pagnanakaw sa Isang Japanese - National

Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang dalawang X-ray operators ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos kupitan ng $1,000 Australian o higit P40,000 ang isang Japanese national sa gitna ng inspeksyon sa paliparan.


Kinilala ang mga naarestong sina Stephen Bartolo at Demmie James Timtim, kapwa miyembro ng Office of the Transportation Security na nagnakaw ng pera ni Yuka Sakata sa screening gate ng NAIA Terminal 3 kamakailan.

Batay sa reklamo ng Japanese national, nabatid nitong nagkulang ng $1,000 Australian ang kanyang dalang AUD$2,700 sa wallet matapos dumaan sa screening area ng Gate 2.


Huli sa akto ng CCTV ang pagnanakaw ni Bartolo sa pikata ni Sakata na pinaniniwalaang inabot ang kalahati kay Timtim.

Napag-alaman na patungo sanang Cebu ang dayuhan na bumaba sa NAIA para sa kanyang connecting flight mula sa Australia.

Source: Bomboradyo


Loading...