PAALALA: Mga retired Pensioners, Hindi na obligado na magreport taon-taon sa SSS para sa Annual Confirmation of Pensioners
Nagpaalala ang Social Security System sa mga retiree pensioners sa bansa na may edad na 84 pababa na hindi na nila kailangan pang magtungo sa mga sangay ng SSS o bangkong kinukunan ng pensyon para sa Annual Confirmation of Pensioners o ACOP.
Ito ay dahil tinanggal na ang ACOP bilang requirement sa retiradong pensiyonado sa mas maayos at dekalidad na serbisyo sa mga miyembro.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, ang ACOP ay isang programa na nag oobliga sa mga pensioners na mag report taon-taon sa SSS o sa kanilang depository banks upang matiyak na magtuloy-tuloy ang pagbayad sa kanilang benepisyo.
Sa halip, ang SSS ay magsasagawa ng lamang ng beripikasyon upang tiyaking buhay pa ang pensioners at kwalipikado pang tumanggap ng benepisyo mula sa pension fund. Pero nilinaw ni Dooc na hindi kasama dito ang mga retiree pensioners na nakabase sa abroad ,at mga total disability pensioners sa Pilipinas, survivor pensioners pati na ang kanilang mga dependent child kasama na kanilang legal guardian.
Ang mga retiree pensioners naman na nasa bansa na may edad 85-anyos pataas na hindi na kayang mag-report ng personal sa alinmang sangay ng SSS dahil sa katandaan at katandaan ay bibisitahin na lamang ng SSS personnel.
Magsasagawa na lamang ang SSS ng proseso ng beripikasyon upang masigurong buhay pa ang retiradong pensiyonado na naninirahan sa Pilipinas at kwalipikado pang tumanggap ng benepisyo mula sa pension fund.
Nagpaalala ang ahensiya sa mga pensioners ang hindi sumunod sa ACOP ay otomatikong masuspendi ang kanilang pension.
Via RMN
Loading...