Dahon na Mabisang Panlinis ng Kidneys kapag ininom sa Umaga o Gabi

Ang ating mga kidney ay bahagi ng Urinary System at Endocrine System, na ang mga gawain ay nagkakahalintulad dahil pareho nilang nililinis ang katawan. Ang mga kidney ay mga body organ na ang pangunahing gawain ay ang pag-aalis ng mga toxins sa ating katawan. Ang mga ito ay napakahalaga sa atin dahil kung hindi malilinis ang ating katawan ay mapupuno ito ng mga dumi, na siyang maaaring magdulot ng iba’t ibang uri ng mga karamdaman.


Ang bawat tao ay may dalawang kidney, isa sa kanan at isa sa kaliwa. Ang mga ito ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng ating likuran sa magkabilang panig ng ating spine. Bukod sa pag-aalis ng toxins sa ating katawan, ang mga kidney rin ang siyang naglilinis dugong dumadaloy sa ating buong katawan. Kada araw nga ay ilang beses dumadaan sa mga kidney ang ating dugo kaya nalilinis talaga ito. Isa pa ay binabalanse rin ng kidney ang ating body fluids. Ang dugo ay dumadaloy papunta sa mga kidney sa pamamagitan ng mga ugat, pumapasok ito mula sa renal arteries at lumalabas naman mula sa renal veins.

Nabanggit kanina na ang mga kidney ang siyang nag-aalis ng mga dumi at toxins sa ating katawan. Subalit, paano nila ito nagagawa? Sa ilang beses na pagdaloy ng dugo sa mga kidney ay inaalis dito ang mga dumi at saka binabalanse ang level ng tubig, mga mineral at asin. Ang nalinis na dugo ay muling dadaloy sa katawan havang ang naipong dumi naman ilalalabas sa katawan sa pamaamagitan ng urination o pag-ihi. Kaya, importanteng regular mo itong ginagawa at hindi pinipigil ang pahg-ihi.

Kaya naman, talagang masasabi natin na tunay na napakahalaga ng ating mga kidneys. Isipin na lamang natin kung ano ang mangyayari kung magkakaroon ng problema ang mga organ nating ito. Tiyak na mapupuno ng toxins ang ating katawan, hindi malilinis ang ating dugo at magkakaroon ng imbalance ang ating mga body fluids. Sa madaling salita ay maaapektuhan sa hindi magandang paraan ang kabuuan ng ating kalusugan.  At dahil dito, dapat nating silang alagaang mabuti para na rin sa ating sariling kapakanan.

Subalit, ang pag-aalaga sa mga ito ay mas madaling sabihin kaysa gawin. Habang tumatagal ay maaaring humina ang ating mga bato at magkaroon ng karamdaman. Ito ay maaaring mangyari dahil sa iba’t ibang dahilan, baka nga minsan ay hindi na natin namamalayan na may ginagawa tayong nakakasama sa ating mga kidney. Ngunit hindi ka dapat mangamba, kaibigan, dahil tuturuan ka namin kung paano mo mapanunumbalik ang kalusugan ng iyong kidney. Pero bago tayo tumungo diyan, ano ano nga ba ang mga dahilan kung bakit humuhina at nagkakasakit ang ating mga bato?

Una na diyan ay ang pagkain ng mga processed foods. Hindi lingid sa kaalaman ng maraming tao na ang mga ganitong pagkain ay naiimbak at tumatagal dahil nagtataglay ito ng maraming asin. Ang mga pagkaing marami nito at masyadong maaalat ay masama sa mga kidney at maaari pang makapagdulot ng kidney stones. Kapag maraming sodium kasi sa ating katawan ay magkakaroon ito ng imbalance at mahihirapan ang mga kidney na alisin ito mula sa ating dugo. Kung maalis naman ato ay magkakaroon naman ng problema sa bladder, na siyang imbakan ng mga duming inalis sa dugo na ilalabas sa ating katawan sa pamamagitan ng urination.

Isa pang makapagdudulot ng imbalance sa ating body fluids ay ang hindi pag-inom ng sapat na tubig. Gaya ng naipaliwanag na, ang kidney ang nagkokontrol sa level ng sodium, tubig, at mineral sa ating katawan. Kung ikaw ay dehydrated at kulang ng tubig sa katawan ay tiyak na hindi ito magkakaroon ng balanse. Isa pa, ang pag-inom din ng tubig ay mahalaga upang matunaw ang mga maliliit na kidney stones, kung mayroon man. At dahil din sa pag-inom ng tubig kaya maayos na nailalabas ang mga dumi sa katawan sa ating pag-ihi. Kaya naman ang mga taong hindi umiinom ng sapat na tubig ay karaniwang nakakaranas ng hapdi kung sila ay umiihi.

Ang pagkakaroon ng unhealthy lifestyle ay maraming kaakibat na mga sakit at komplikasyon. Isa na sa mga iyan ay ang pagkakaroon ng hindi nalusog na mga kidneys. Ang paninigarilyo, halimbawa na lamang, ay hindi lang masama sa ating baga kundi maging sa ating mga bato. Kapag ang isang tao kasi ay naninigarilyo, hindi nagagawa ng mga kidney na alisin ang protina dito. Ang naiwang protein sa mga kidney ay isang tanda ng hindi mabisang paggawa ng kidneys. Isa pang halimbawa ay ang pag-inom ng alak. Ang sobra sobrang pag-inom ng alcohol ay maaaring magdulot ng iba’t ibang karamdaman sa mga kidney kagaya na lamang ng chronic kidney disease. Mas malala pa kung naninigarilyo ka na, mahilig ka pang maglasing. Hinay hinay ka lang dahil alam mo bang mas mataas limanh beses ang posibilidad na ikaw ay magkasakit sa bato?

Ilan lamang ang mga ito kung bakit humihina at nagkakasakit ang ating mga kidney. At gaya na nga ng alam natin, ang hindi malusog na kidney ay magdudulot din ng hindi malusog na pangangatawan. Kaya naman, heto at ituturo namin kung paano mo ito mapapangalagaan. Isang simple ngunit mabisang paraan upang mapanatili ang lusog ng iyong mga bato. Isang natural na gamot na tiyak na makapagpapagaling sa iyo. Sa medisinang ito na ating gagawin, ibibida natin ang avocado at mga dahon nito.

Ang prutas na Avocado at mga dahon nito ay mabisang kasangkapa upang malinis natin ang ating mga kidney at panatilihin itong gumagana ng maayos. Sa pamamagitan nito ay made-detoxify natin ang ating body organ na siyang nagde-detoxify sa ating buong katawan. Handa ka na bang matutuhan kung paano gumawa ng medisinang ukol dito? Ngunit bago tayo tuluyang dumiretso sa proseso ay maghanda ka muna ng pitong dahon ng Avocado at dalawang litrong tubig. Kung tapos na ay sundan mo lamang ang mga sumusunod:

Ang unang hakbang ay madali at simple lang. Ang tanging kailangan mong gawin ay pakuluan laman ang mga dahon ng Avocado gamit ang dalawang litrong tubig. Siguraduhin mo lamang na ang tubig na iyong gagamit ay hindi minireal o tap water, kundi iyong distilled na sinala sa pamamagitan ng osmosis. Maghintay ng labinlimang minuto bago patayin ang apoy at palamigin ang iyong pinakulo, at pagkatapos niyan ay handa na itong inumin. Inirerekomenda na uminom ng isang tasa ng pinakulong dahon ng Avocado dalawang beses isang araw, isa sa umaga at isa sa gabi.

Gawin lamang ito araw araw at siguradong wala ka nang dapat ipangamba pa dahil siguradong mapoprotektahan mo na ang iyong mga kidney. Kung iinom ka nito ng walang pakya ay tiyak na makikita mo ang mabuting pagbabago sa iyong kalusugan na dulot ng malusog na mga bato.

Source: ReadDigestHealth


Loading...