5 Dahilan bakit dapat iwasang pakainin ng Hotdogs ang mga bata

Hindi naman talaga natin maikakaila na masarap talaga ang kumain ngunit hindi namamalayan ng tao na ng dahil sa napakaraming gawain na siyang madalas na gawin sa pang araw araw mula sa trabaho, sa paaralan maging sa loob ng tahanan, ay madalas na lamang tayong bumibili ng mga uri ng pagkain na siyang madaling lutuin o kaya naman ang mga klase ng pagkain na hindi agad agad nasisira.


Ng dahil dito, madalas ng hindi tinitignan kung ano ano ba ang mga sangkap ng ating mga binibiling pagkain, lalo na sa mga fastfood, grocery stores at maging sa mga palengke, partikular na ang mga pagkain na nakalagay sa lata at mga processed foods.

Hindi lingid sa kaalam ng nakararaming bilang ng mga tao hindi lamang dito sa Pilipinas maging saan mang sulok ng mundo na gumagamit ang mga food manufacturers ng mga food additives upang tumagal ang shelf life ng mga itinitindang produkto sa merkado. Ngunit kung kayo ay tatanungin, alam niyo ba na ang mga food additives na ito ay delikado para sa kalusugan ng tao at maari rin itong magdulot ng iba’t ibang klase ng sakit at komplikasyon sa kalusugan?

Isang pagaaral ang siyang isinagawa at siyang nagpapakita na ang mga bata na madalas kumakain ng hotdogs, o sinasabing labing dalawang (12) piraso ng hotdog sa isang buwan ay siyam (9) na beses na mas mataas ang tsansa na magkaroon ng sakit na siyang tinatawag na leukemia.

Natuklasan at napagalaman din na ang mga buntis na babae na siyang kumakain ng isang (1) piraso ng hotdog sa bawat linggo ay maaring magsilang ng isang sanggol na mayroong tsansa na magkaroon ng brain tumor.

Ano nga ba talaga ang problema sa pagkain o pagkonsumo ng hotdog?

Ang nitrites at nitrates ay sinasabing ginagamit bilang preservative, coloring at flavoring sa mga cured meats na kagaya na lamang ng bacon, salami, sausages, ham, luncheon meats, hotdogs, corned beefs at iba pang uri ng processed meats. Ang nitrites ay sinasabing nagagawa ng dahil sa nitrates, na kilala bilang isang natural na parte ng isang protein na kilala o tinatawag na amines. Ang chemical reaction na ito ay makabubuo ng nitrosamines, na siya namang kilala bilang isang cancer causing compound. Ang nitrosamines ay nabubuo sa nitrite o nitrite treated meat o maging sa digestive tract ng tao.

Sinasabing nagiging carcinogenic ang sodium nitrate kapag ito ay pumasok na sa digestive system ng tao. Sa huli, nagreresulta ito ng pamumuo ng iba’t ibang klase ng mga nitrosamine compounds na siyang humahalo sa blood stream at maaring magdulot o magresulta sa panganib sa mga internal organs ng tao katulad na lamang ng parehong liver at pancreas.

Ayon nga sa sinabi ng IARC o International Agency for Research on Cancer, tinipon o pinagsama sama nito ang ginawang pagrepaso sa mahigit kumulang 800 na pagaaral na mayroong kaugnayan sa pagkain ng red meat o mga karneng kagaya ng sa baboy, baka, mutton, kambing, usa at kabayo sa kanser. Partikular na binanggit sa pagaaral na siyang tinipon mula sa dalawampu’t dalawang (22) eksperto mula sa sampung (10) bansa ang kanser sa colon, pancreas, prostate at maging sa rectum.

Ilang bilang din ng mga pananaliksik ang siyang nagresulta at nagpakita ng koneksyon ng nitrites sa stomach kanser ayon sa IARC o International Agency for Research on Cancer. Ito rin ay maaring magdulot ng kanser sa esophagus na kung saan isang pagaaral ang siyang nagpakita na mas mataas ang tsansa na mangyari ang bagay na ito sa mga tao na siyang kumakain ng cure meats ng malagian (Rogers 1995; Mayne 2001).

Mayroon ding isang ebidensiya na siyang maiuugnay na ang nitrites sa parehas na brain at thyroid na kanser, ngunit sa kasalukuyang panahon ay wala pa ring matibay na ebidensiya at impormasyon upang mapagtibay ang konklusyon na ito (Preston-Martin 1996; Pogoda 2001; Aschebrook-Kilfoy 2013; IARC 2010).

Noong taon ng 2010, ang mga eksperto na nagmula pa sa IARC o kilala rin bilang World Health Organization’s International Agency for Research on Cancer ay nagdeklara na ang kinai nna nitrites at nitrates ay posibleng maging isang human carcinogen katulad na lamang ng aming nabanggit sa itaas kanina.

Sa kabilang banda, ang California Office of Environmental Health Hazard Assessment ay nag iisip na isama ang nitrites kabila na ang amines o amides bilang isang uri ng carcinogen.

Ang ilang natural na pagkain naman kagaya ng spinach at ilan pang mga madahong gulay na siyang sinasabi na nagtataglay din ng nitrates, ngunit ang mga pagaaral hindi nakakita ng anumang klase ng koneksyon nito mula sa stomach cancer.

Dahil sa mga impormasyon na ito na siyang nakalap at aming ibinahagi sa inyo, nirerekomenda ng mga eksperto at mananaliksik na limitahan lamang ang pagkain ng mga nasabing karne. Kung ibabatay naman sa estadistika, sinasabing maliit lang umano ang peligro na siyang pagkakaroon ng kanser mula sa pagkain ng mga processed, cured o red meat ngunit sa paglipas ng panahon ay lumalaki ang panganib habang dumarami ang iyong nakokonsumong processed, cured at red meat. Sa bawat 50 grams o 1.8 ounce na bahagi ng processed meat ay nagdadagdag ng panibangong labing walong (18%) porsyento ng panganib na magkaroon ng colorectal kanser ang isang tao, ayon sa isang opisyan na nagmula sa IARC na si Kurt Straif.

Hindi kaaya aya at masakit na balita ito para sa mga tao na siyang mahilig magkonsumo ng hotdogs, ham, sausage, bacons at iba pang klase ng mga processed meats, lalong lalo na sa mga nagnenegosyo at sa mga manggagawa ng mga produkto na ito na siyang dito kumukuha ng kanilang pangkabuhayan. Malaki ang magiging negatibong epekto nito para sa kanilang pamumuhay kung maihihinto sa buong mundo ang pagkain ng ganitong klase ng mga karne. Kaya marahil inirerekomenda na lamang ng ilang pagaaral na limitahan na lamang ang pagkain ng mga red meat gumawa ng kaukulang hakbang ang mga pamahalaan upang maiwasan ang madalas na pagkain ng mga ito. Nagiiwan lamang ng isang palaisipan sa mga tao na sinasabing masama para sa kalusugan ang pagkain ng naturang karne ngunit hindi opisyal na ipinagbabawal ang pagkain na ito sa merkado ng mga kinauukulan.

Ayon sa pahayag ng DOH o Department Of Health, hindi na kinakailangan pang ipagbawal ang pagkain o ang pagkonsumo ng processed, cured o red meat. Kinakailangan lamang umano ng balanseng pagkain, katulad na lamang ng pagkain ng mga masusutansiyang pagkain kagaya ng mga prutas at gulay dahil totoo naman na kailangan din talaga ng katawan ng tao ang pagkain ng karne bilang pagpapalakas. Sabayan na rin ito ng tamang pageehersisyo sa umaga, pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog at inom ng tubig upang magkaroon ng isang malusog at malakas na pangangatawan at kalusugan. Iwasan na rin ang ilan sa mga bisyo kagaya ng paninigarilyo at paginom ng mga alak. Balanseng nutrition ang kailangan ng bawat isa.


Loading...