NLEX Papalitan ng "Corazon Aquino Expressway" (CAEX) ang Pangalan
Gagawin nang Corazon Aquino Expressway (CAEX) ang pangalan ng North Luzon Expressway (NLEX). Ito ay matapos na aprubahan ng House Committee on Public Works and Highways ang House Bill 4820 na inihain ni Nueva Ecija Rep. Magnolia Antonio na naglalayong palitan ang pangalan ng NLEX sa CAEX. Ang NLEX ay itinayo noong 1960 at may habang 84 kilometro na pinangangasiwaan ng Manila North Tollway Corporation na subsidiary ng Metro Pacific Investments Corporation. Dati rin itong pinangalanang Manila North Diversion, Manila North Expressway at Radial Road 8. Ayon sa chairman ng Komite na si Benguet Rep. Ronald Cosalan, ang pagpapangalan ng NLEX sa dating pangulo ay bilang pagkilala sa magagandang nagawa nito sa bansa. Via Philstar