Empleyado ng Convenience Store, Minura ang Isang Matandang Costumer

Trending ngayon sa Facebook ang pagsinta ng isang concerned citizen sa isang empleyado ng convenience store.


Sa video, mapapanood ang pag-alma ng isang lalaking costumer sa pagtrato ng lalaking cashier sa babaeng matanda na bumibili sa nasabing convenience store.

Ayon sa lalaking sumita na maririnig sa video, minura raw ng cashier si lola kaya niya ito pinagtanggol at pinangaralan si cashier na mali ang kanyang ginagawa.

Dito na nagsimula ang komprontasyon ng dalawa. Dumating na rin sa punto na hinamon na ng lalaking nanita si cashier at akma niyang hahampasin ng upuan ito.

Nagulat naman si cashier sa pinakitang tapang ng lalaking nanita at natahimik ito sa huli.

Panoorin ang Video:


Loading...