Concerned Netizen Nagbabala sa MODUS sa Mga Promo at SALE ng SM Department Store

Isa na namang biktima ng Promo Sale Modus ng "Sobrang Mandurugas" Dept. Store


MAGPAPASUKAN NA MGA SIS! MAGING WAIS!!

Eto nga.. galing akong sm kanina. Plan namin is maggrocery at kumain ng mama ko kasama ng pamangkin ko. Napadaan kami sa activity area nila so my nakita kaming naka sale na converse.. 30-50% off daw.


Syempre magpapasukan na etong pamangkin ko naglambing wala daw syang bagong bag sa pasukan. Ako naman si tita uto uto. Hanap ng bag na swak sa budget ko lang.

Hangang nakapili at nakabili na kami paguwi namin sa bahay check ko yung bag kung maganda ba. Pag tigin ko ng blue tag price sabi ko sa isip ko “ay naka discount na ako”.


My napansin akong my white na tag price sa likod so naisip ko ayun siguro ang original price nitong bag.

Tignan ko nga kung hm yung nadiscount ko. Kasi bukod sa 30% off my 10%off ka pa pag gumamit ka ng advantage card.

Nashooookt ako!!!’ Ng grabiiiii grabiiiiii!!!’

Sa dami daming manloloko ngayon hindi ko alam na pati kayo SM City Santa Rosa manloloko narin kayo ng customer nyo!!

Very disappointed talaga ako. Ayoko na talaga maniwala sa mga pakulong SALE nyo!!!! 😡🙄😒 imbis maka discount yung mga tao napamahal pa!!

Hindi na nga friendly yung mga staff nyo na mga nakatunganga lang nanloloko pa kayo. 🤬🤬#marketingstrategy#bulok#disappointed100% CONVERSE DTI Region 4-A Calabarzon DTI Philippines


Via Cherrie Monforte


Loading...