$1 Trillion Dollars Worth of Natural Gas Found in Liguasan Marsh, Maguindanao

"Maguindanao, the next Dubai?"

Kumakalat ngayon sa social media ang video ng Liguasan Marsh Facebook page kung saan ipinakikita ang natural gas na natagpuan sa Maguindanao.

Ayon sa video, aksidente lang daw itong natuklasan noong naghahanap ng sariwang maiinuom na tubig ang mga fishpond workers sa Lake Buluan. Pero imbis na tubig, methane gas umano ang kanilang natagpuan.

Base pa sa video, napapakinabangan na raw ng libre ng mga komunidad na nakapalibot sa lawa ang natural gas.

Tinatanyang aabot daw sa isang trilyong dolyar ang halaga ng likas na yaman.



Loading...